~
Thursday, September 18, 2008
sabi ni ate jache, mahirap talagang humanap ng tunay na kaibigan.. haha...totoo nga iyon.. sa edad kong ito, kahit pa 17 na taon pa lang ako... masasabi ko rin namang marami-rami na rin akong pinagdaanan... grabe, sa dami ng taong nakakasalamuha ko, sa dami kong nakikilala, nakakangitian, nakakatawanan, nakakagimikan at nakakaharutan, masasabi kong totoo nga ang sinasabi ni ate jache. ewan ko ba, bakit ganun? sadyang iilan lamang ang taong tunay ngang kaibigan.
naalala ko tuloy yung kaibigan ko nung high school. Nakkatawa kasi nagkakilaola na lang kami ng isang iglap.. natatandaan ko pa yung something in common sa amin na biglang naglink sa amin, yung CHARMED, yung mga magkakapatid na mangkukulam na lumalaban sa mga kung anong uri ng organismong padala ng mga taong mula sa kailaliman ng mundo. nakita niya kasi yung mga papeles ko nun, eh isip bata pa ako nun at naniniwala sa magic, kaya may list pa ako ng mga ginamit na spells sa palabas. (adik kasi ako nun...) tapus ayun, sa isang pitik lang, magkaibigan na kami... nakatutuwa kasi masasabi kong naging at hanggang ngayo'y mabuti siyang kaibigan. kahit magkaiba kami ng landas na tinatahak, nandyan pa rin siya. alam mo yun, kahit halos hindi na kayo nagkikita, kahit hindi na rin kayo nagkakausap at hindi ako ang nasa featured friends niya sa friendster, ayus lang, kasi alam kong kaibigan ko siya. Grabe yun, nakakatuwa kasi minsan nagpapang-abot kami nun sa ym, tapos ayun, todo kwentuhan. tapos kapag naririning niya yung mga kuwento ko, ride naman siya. kapag malungkot, nalulungkot at kapag may nang-aaway sa akin, grabe.. kung buhay lang ang mga salita, patay na lahat ng umaaway sa akin. grabe yun. away kung away. nakakatutuwa kasi may katulad din ako; makikipagsabunutan at saksakan ata yun kapag may nanakit sa akin.. haha... tapos ayun pa, parehas kaming non-conformist. nakakatuwa nga eh, sa mga kabarkada ko nung high school, pareparehas kaming non-conformists. nakatutuwang isipin na hindi kami naging katulad ng ilang tao o barkada, lalo na nung magfifill up na ng form para sa entrance sa UP. kanya-kanya kaming sulat, walang pakialamanan. alam kasi naming hindi kayang hadlangan ng distansya ang pagkakaibigan. haha.. naalala ko pa tuloy yung isa ko pang kaibigan, hindi kami ganun kaclose tulad nung nauna, pero isa rin yun... mahilig kaming magkuwentuhan sa bus nun kapag pauwing cavite. SOBRANG haba ng pasensya nun... hindi ko nga laam kung paano ako natiis nun. haha... madalas kasi ang mood swings ko...
Tapos nandyan pa yung mga blockmates ko... lalo na yung isa.. haha.. nung hih school hindi naman kami close. iba nga yung grupo niya nun eh.. (actually kahit naman ngayon medyo hiwalay pa rin yun) pero wala akong masabi. (maliban sa minsan korni na yung jokes niya.. haha. peace!) hindi ako iniwan nun... kahit nung chem 16 lab eh feeling ko may moments na naiinis na yun sa akin (pano, bossy ako.. sorry na po..) grabe... lagi ako nung tinutulungan. mahilig yun magpatawa. haha... pero sa lahat ng ginawa niya para sa akin, ang hinding hindi ko malilimutan ay yung tinulungan niya ako at hindi iniwan sa ere. grabe, sobrang naappreciate ko yung ginawa niya. tumulong siya kahit hindi na niya gawain yun, kahit na wala namang kapalit, kahit na nakatago lang siya sa likod ko at hindi naman nabibigyang pansi yung mga nagawa niya. grabe talaga (grabe!) ang bait niya. isa na rin siya sa mga taong hindi ko malilimutan, marami siyang naituro sa akin. marami akong natutunan na hindi ko nalaman sa kahit na kanino. salamat pala. ^^
Nandyan din yung isa ko pang blockmate. haha.. minsan naiinis na sa akin yun eh.. haha.. hindi na nga rin kami masyadong nakakapag-usap ngayon, pano ilan na lang ang subjects kong kasama siya. actually, noon, feeling ko hindi na masam ang ugali niya.. (well, sinabi ko na naman yon sa kanya..) pero, but no! sobrang nagkamali ako. haha.. nakakatawa kasi noong mga unang araw ng klase medyo naiirita ako sa kanya kasi masyadong kikay, may arte yung pagsasalita, liberal (sa standards ko NOON). pero nakakatuwa... marami akong hindi ineexpect sa kanya na ginawa niya... haha... grabe, iba yun! pano yun talaga yung literal na ipinagtanggol ako sa mga ilang tao. tapos yun pa yung nagkukuwento sa akin ng mga pinaggagagawa ng ilang tao kapag nakatalikod o kapag wala ako. haha.. hindi ko nga alam ung bakit ganun eh.. basta, salamat. nakakatuwa, kasi iyon nga, hindi na naman kami nakakapag-usap tungkol sa ilang bagay pero masasabi ko at alam kong kaibigan ko talaga siya...
tapos ayan pa si ate, haha... isang taon na rin pala kaming magkaibigan. tama nga yung nanay ko, siya yung taong hindi nang-iiwan. haha... marami kaming differences, sobrang dami. sobrang dami rin ng mga pinag-aawayan namin. pero keri lang. haha.. nagbabati din kami. siya ang mega stressball ko, lahat ata ng sama ng loob ko sa mundo; sa sarili ko, sa lipunan, sa pilipinas, sa mga pilipino, sa mundo, lahat alam niya.. haha. iyon talaga yung sobrang clueless ako kung pano niya nagagawang tiisin ako.. haha... ang dami kong flaws, sobra! ung alam lang ng mga tao... pero ayun, sa kabila pa rin nun, kaibigan ko pa rin siya at kaibigan niya ako. tapos ang daming isyu... ang dami kong natutunan, ibang perspektiba ang lagi niyang inilalahad sa akin.. haha.. slaamt...
Isama pa natin si Gemmy, haha.. namimiss ko na yung babaeng iyon. ewan ko, pero nung nagkita kami sa upm, natuwa talaga ako. ganun siguro kapag namimiss mo yung alam mong tunay mong kaibigan. si gemmy naman iba, sobrang talas ng dila. as in! sampal kung sampal ang flaws ko sa akin! hindi nga constructive yung pagpuna niya sa akin kung minsan. haha.. nakakamiss din pala yung ganun noh, yung minsan peste sa buhay mo.. haha.. joke lang gemmy! ayun, isang taon lang kaming naging magkaklase pero naging makabuluhan ang lahat. sabi nga ni ate, hindi mahalaga kung gaano kahaba ang inyong pinagsamahan, mas mahalaga kung paano mo ito pinalalim at pinalawak. in fairness, naiiba talaga yon, nakakatuwa kasi katulad niya ako at some point, kung gusto niya, gusto niya, no one can stop her! haha... ayun, madalas din kaming mag-asara nun, pero nakakatuwang walang napipikon sa amin.. haha.. (nalalala ko tuloy yung dalawa kong kuya mike, kuya mike geroche at kuya mike transfi na kahit anong laitan namin, hindi yon napipikon...) ayun.. salamat din Gemmy.
tapos ayan si isa pang friend, kahit anong ikuwento ko, go lang! kahit boring sa kanya, go lang! naalala ko pa nung open house ng kalay, mula 2 ata ng hapon nakukuwentuhan kami hanggang 9 na, at naputol lang ang usapan namin dahil curfew na. haha.. nung high school isa pa yan sa walang habas (haha.. parang papatay lang...) or should i say, walang tigil ang suporta sa akin.. haha... nandyan lang din naman siya kapag kailangan ko ng tulong niya. sayang nga eh, feeling ko ako naman ang wala kapag kailangan niya ng tuloy ko... grabe, ang dami kong napabayaang mga kaibigan.. TTTT______TTTT pero gayunman, salamat. marami siyang binago sa kin.. haha... siya nga ang una kong girlfriend.. haha... one week lang kami.... haha.. (dahil yun sa biro.. haha.. joke joke lang naman yun..) salamat!
haha... atsyempre, nanadyan sina leslie, jay-v na laging nakatulala at naghihinatay ng himal- ang magtext ako at mangamusta... haha.. laging nandya.. ang sya nga eh.. para utot lang.. haha.. ang dami naming napagdaanan nung fourth year.. biglang boom yung samahan namin.. haha.. slamat sa inyo... pati kay philippe na ngayo'y naliwanagan na ang isip.. nakatutuwang malaman na isa siya sa mga patunay na kaya kong magbago ng buhay ng iba, na kaya kong tumulong. o at the very least, maging instrumento ng pagtulong.
kung tutuusin, madali lang makahanap ng makakausap, makakatawanan, makakaharutan, pero mahirap humanap ng mga tunay na kaibigan. yung taong totoo sa iyo, yung kayang isampal ang mga kamalian mo sa iyo sa pagnanais na ang mga salitang iyon ay tutulong sa pagbabago mo, yung handang tumulong kung kinakailangan, yung kailan man ay hindi nang-iiwan sa ere. mahirap, sadyang iilan lang sila. Hindi nga halaga kung malapit kayo, kung naghaharutan kayo o nagtatawanan kayo dahil mas mahalaga ay kung nandyan sila kapag kailangan mo ng tulong nila.
napaisip tuloy ako, ako kaya, naging mabuti din kaya akong kaibigan sa mga taong nakasasalamuha ko? o at the very least ay, may nabago ba ako sa buhay ng mga taong nasa paligid ko, kahit kaunti man lamang? nagagawa ko kaya ang mithiin ko- ang magbigay ng kahit kakaunting pagbabago sa buhay ng iba? siguro ay masyado pang maaga upang magbigay ako ng desisyon, sana lamang, sa kahit mumunti kong paraan ay may naibigay ako.
ngayon ay pumapasok ako sa isang yugto ng buhay kong hindi ko alam ang hinaharap. hindi ko alam kung sa mga taong makakasalamuha ko ay makakatagpo pa ako ng tunay na mga kaibigan o mga taong tulad ng iba'y naging kasama lamang sa tawanan. hindi ko alam. gayunman ay lubos akong umaasa na makakatagpo ako, kahit isa man lamang (pero syempre mas masaya kung lahat!) sana dito ko na rin makita ang isa pa PANG kaibigang mahal ko at mahal ako; tanggap ako ng buong buo, (ano ba yan, parang ano lang... haha.. adik!) i mean, sa lahat ng aspeto. at syempre mas masaya kung may taong mahahanap ko na tanggap ako bilang isang taong bumabaklas sa ilang pangdidikta ng lipunan, ng simbahan, ng gobyerno... mahirap humanap lalo na nung taong tanggap ako bilang isang taong pulitikal, na aktibista.. haha.... nakukulong na kasi ang karamihan sa sarili nilang uri. weird nga ang tingin ng ilan sa akin, minsan oppressed pa nga akong magsalita eh.. haha.. pero ok lang... pero lubos kong ikatutuwa kung kahit isa ay may matatagpuan akong ganun... sana, sana.
posted at 3:36 AM
~
posted at 4:13 AM