~pagtatanto
Friday, August 22, 2008
"Kahit anumang landas ang ating tahakin, dapat ang desisyon ay magmula sa atin. Huwag tayong paaapekto sa sinasabi ng iba, 'wag natin ibase ang desisyon sa kanila. 'Pagkat sa dulo ng lahat, sa buhay natin, tayo rin ang magpapalakad. Sa anumang pagkakamali, tayo rin ang babalikat. Eh ano ngayon kung sumuway ka sa gusto nila, eh ano ngayon kung magalit sila, basta't ang mahalaga ay nanindigan ka, sundan ang daan kung saan ka masaya. Sapagkat tayo lang ang tanging nakakaalam, makakaalam, nakakaintindi, at makakaintindi sa ating sarili." -Gerard Per Garcia Palad
Wow. Sobrang nakakatuwa.. haha… parang mga linya ko lang.. hehe… naalala ko tuloy si nephele… pati si sheena… kaya ko ata nakasundo yung mga yun.. pano, parehas ang takbo ng mga utak namin.. iba-iba kami ng tinahak.. grabe…. Oo nga… tama, thou shall not conform lalo na kung buhay o takbo ng buhay mo ang pagdedesisyunan… kaya siguro mag-isa akong nagdikta sa kursong kukunin ko.. kaya siguro mag-isa akong pinalakad ng nanay ko ng mga papeles para sa UPCAT, kaya siguro, kahit na DPWS ako, walang keber ang nanay ko sa pipiliin kong kurso.. kahit nga form ko sa UPCAT wala siyang pakialam sa kursong inilagay ko.. haha… nakakatuwa… sa kabilang banda, naisip ko tuloy na sobrang laki ng tiwala ng nanay ko sa akin… grabe noh… sa ginawa niya, naisip ko tuloy, sobrang tiwala siyang kahit ano pa man ang kursong pipiliin ko, siguradong pagbubutihan ko.. haha..
Nakatutuwa rin isiping may ganitong paraan ng pag-iisip si kuya buddy.. haha… sa dami ng mga organismong may sex chromosomes na XY na nameet ko sa mundo, bibihira ang may ganitong pag-iisip.. madalas kasi yung nakikita ko, “sige, bio ka, magbabio na rin ako…”, “ay sa _____ ka magtatrabaho? Sige sama na lang ako…” grabe.. totoo naman.. haha…. Hindi sila ang magpapatakbo ng buhay mo… grabe.. kung hindi ka magdedesisyon para sa sarili mo, sino? Ang nanay mo? Ang tatay mo??? Mga kaibigan mo??? Bakit, kapag nagkaganda letse-letse ba ang grades mo may magagawa ba sila? Kapag ba lost ka na at di alam ang gagawin kung paano ipapasa ang biochem, may magagawa ba sila? Siguro they can help you, pero kahit kailan, hindi sila ang magdidikta ng buhay mo… papasa ka dahil pinili mo, pinili mong mag-aral, piniling mong intindihin ang lesson, pinili mong magpatulong…. Minsan naisip ko mali ang konsepto ng mga Pilipino tungkol sa pagpili ng buhay o karera ng buhay. Minsan kasi iniisip nila na ok lang ang magconform.. o kaya may punto na sinasabi nila, kasi ang mga magulang nila ang nagpapaaral sa kanila, kaya kailangan nilang sumunod, o di naman kaya napressure sila ng friends, ng lipunan o ng kung sino na lang… grabe, para sa akin, sobrang mali yung paniniwalang ganun…. Una, Masaya ka ba? Pangalawa, oo nga, magulang mo nagpapa-aral sa yo, pero kung titignan at another point, obligasyon nila iyon sayo yon pero it will never mean na may obligasyon kang sundin sila sa pagpili ng karera dahil pinapaaral ka nila… maari mo pa rin namang ibalik sa kanila yung kung ano mang kailangang ibalik sa paraang pinili mo at ninais mo di ba? Isa pa, eh kung dumating na ang panahon na pumanaw sila at ikaw na lang mag-isa, sina pa ang sasalba sa yo? bangkay nila? (sorry kung medyo mean yung language…) sa kaibigan mo, proven naman na friends come and go…. (depende na lang kung gaano kalalim ang friendship) sila rin, haharap sa mga sarili nilang mga problema… (wag ka nang padagdag) isa pa, hindi mo naman sila masisisi sa huli dahil kahit anong mangyari, kahit baliktarin mo man ang underwear mo, ikaw ang nagdesisyong sumunod sa kanila, ikaw ang nagdesisyong magpadala sa pressure nila.. wala lang.
Grabe, pati problema ng mems iniisip ko.. haha… grabe… adik ba ako???? Anyway… sobrang natutuwa ako’t hindi ko rin inaasahang magcocomment nga ng ganun ang buddy ko.. haha… GO KUYA GERARD! [manipestasyon na yan na matanda ka na.. haha.. ] pero totoo… grabe, pinaalala nga lang niya yung prinsipyo ko magmula ng nagdesisyon akong mag-UP. Hehe… nangangailangan ng naiibang lebel ng maturity bago lubusang masabi at maintindihan ang mga sinabi niya. pero to end this, heto yung quote na pinabasa sa akin ni ate jache, I think may direct relationship yun sa sinabi ni kuya Gerard… (bakit ba, sa tingin ko meron eh.. haha ^^)
“ Mas mabuti pang maging batong sumasagupa sa rumaragasang alon kaysa maging dahon na tinatangay na lamang ng agos…” –anonymous
posted at 7:48 AM