~...
Sunday, July 6, 2008
sobrang tagal na pala... ilang linggo na rin akong hindi nakakapagpost dito. sobrang seryoso na ata ng mga huli kong post kaya naman, balbal mode muna ako pero tulad ng balbal at pormal kong mga posts, walang proofreading ito. matuto kayong magtyaga sa post na maraming typo errors at maling grammar. (akin lang namang pinapraktis ang kakayahang magsulat, at sabi nga ni prop rene (sumalangit nawa), dapat magsimula sa malayang pagsusulat, yung walang restrictions, walang pakialam sa spelling, sa grammar o sa pagpili ng salita, basta sulat lang ng sulat, go!)
ang daming nangyari sa pagbukas ng semestre. grabe! nakatutuwang isipin dahil sobrang gaganda ng mga nangyari... haha... saan ko ba sisimulan?!? ayun, una sa block namin, ang daming nagshift sa CN, pero ang saya, kasi (as of now,) lahat ng mga nakakausap kong nagshift sa cn ay kasundo ko... thank God na hindi sila tulad ng iba dyan.. (hehe..) nandyan si ate regine, kuya henry (aka ingkong henry), si ate jenna (aka mayamang lola joke! batang-bata yan tignan... parang high school pa nga lang eh..) na nakasundo ko nung summer.... (si ate reg pala 2nd sem pa lang friend ko na...) tapos si kuya jeremiah, na classmate ko nung summer pero hindi ko nakakausap nun, na nakasundo ko nung enrollment... grabe, ang dami naming napagusapan.. haha.. syempre kami na lang ang nakakaalam nun... (plus camille, plus si ano, plus si.. haha.. joke!) tapos ngayon naman, dahil sa chem 40, dumami pa lalo... si kuya RP, si ate lyn, ate poorita sakdal hirap (ate celine...), si ate helene na tlaagang nakakausap ko na.. (kasi nung 26 hindi naman kami ganun kung mag-usap..) kuya aldrin, (at malamang may nakalimutan pa ako..) basta sila.. haha... grabe, ang dami naming napagkakasunduan... ang babait pa nila... wala akong masabi sa kanilang lahat.... (maliban kay ate celine na isang poorita... ^___^) ayun.... sayang nga eh, may ilan sa kanilang mauuna sa amin... (nakalimutan ko pala sina ate lianne at kuya epi, kapwa naging kaklase ko sa chem 26) actually, sila yun, sina ate lianne at kuya epi (na sabi nila ay hindi gwapo, hindi cute at hindi pogi.. ang tamang term?!? MAGANDA--> i agree)... grabe. tapos lahat kami sabay na nag FN 14 so one time big time ang event na ito... haha... then yung iba ay kasabay ko pa sa app process ng PAN-alpha.. ang galing.. super buddies ito?!? haha... ^____^ sobrang galing.. tapos nagtatawanan na lang kami sa mga bagay-bagay.. lalo na si ate lyn, yung latest na nakachismisan ko... isa kasi sa bestfriends ko yung bestfriend niya... ang galing tlaga, ang liit ng mundo... tapos akalain mong close friend din yun ni kuya RP?!? wala na, sabog nalang kami.. haha... (habang nakikinig lang sa amin si abi..) ^^
gayunpaman, nandyan pa rin ang sobrang tibay kong friends... grabe, ang bilis ng taon, one year na pala kaming magkakasama nina steph, abi, mauve, jenny, gienah, camille, charis, dianne, joselle (o come on, pano ko nakalimutan si joselle?!?) at jean... nakakatuwa... ang dami na naming napag-usapan, napagdebatehan, nalait, nalibak, nahamak... napatay... (joke!) wala lang, ang saya malamang buhay pa kami... pagkatapos mahati ang mundo sa dalawa, matibay pa kami, at lalong tumitibay.... (abs-cbn?!?)
gayunman, syempre kahit hiniwalay ko, eh hindi ko pa rin makakalimutan si gemmy. impakta yan eh.. salot sa buhay ko.. (joke! nang-aasar lang po...) ewan ko, nakakatuwa kasi ang bait niya sa akin, isa siya sa mga taong patuloy ang pagbibigay ng comment sa akin, na siyang nagiging daan sa improvement ng panlilibak ko... haha... seriously, marami akong natutunan, nassess tungkol sa sarili ko at sa mga bagay-bagay dahil kay gemmy. grabe rin magsalita yan.. tagus-tagusan.... prangka indeed, kaya siguro kami nagkasundo... isinasampal din niyan ang comments niya sa akin.. nakatutuwa kasi parehas kaming matured enough para itake ang negative comments para sa improvement namin bilang indibiduwal... kapag nag-aasaran kami niyan, walang personalan. yun siguro yung factor na nagpanatili sa bond naming magkakaibigan.. (yes my dear, kahit si mauve, minsan nang-aasar din.. haha...) ^^
sa dorm, well, tapos na ang bagyo... wala nang ulan... hindi pa rin kami nagpapansinan ni kuya felix pero go lang... ok lang kung ayaw niya, basta kao open lang pero hindi ako mag-iinitiate... sayang sa effort, ilang moles din ng adenosine triphosphate ang mawawala kapag ganun... siya naman itong mataba eh.. kaya ok lang sa kanya... burn fats my dear! haha... wala naman sigurong problema dun.. buti nga iniisip ko pa yung amount ng fats sa katawan niya.... (hindi ko naman sinasabing type II obese siya noh! sadyang mas mataba siya (relatively) sa akin...) pero nakakatuwa dahil pagkatapos ng pagiging seryoso niya at bitter-bitteran mode nung summer, ay nagsimula na siyang magsaya... nakikita ko namang may iba na siyang kasama at nakikipagsocialize na siya sa iba... good for him.. kesa noon na highly isolated ang mundo niya at si kuya jason lang ang kasama niya.... anyway... nagcorrep pa, o di ba?!? bibo mode ang drama... sayang nga lang at wala na sa yakal ang lagi niyang kasamang si kuya molo... T_T gayunpaman, tulad ng natural na reaksyon, ay nakaadapt na siya at may kasamang iba... nakakatawa lang isipin kasi tuwing kakain kami ni ate jache sa lutong bahay ay nandun din siya.. for around two weeks na regular na nangyayari iyon.. perahas kasi ang oras ng pagkulo ng tyan naming tatlo... mga around 7 ng gabi kami nandun... pero as usual, walang pansinan.. ewan ko ba, sadyang ayaw ng utak ko... siguro nagsawa, nagsawa sa kahahabol... ewan... pero seryoso ako sa lahat ng pagkakataong nagsabi ako ng sorry, ewan ko ba... siguro sinasabi na nga ng utak kong tumigil na dahil sayang ang ATP sa katawan, naghahanda pa ako ng walang kamatsyang sulat at kung ano-ano... para lang humingi ng tawad... pero ewan.. ang sabi ko noon ayoko na, ang sabi ko at least i've done my part, nagsorry na ako.. pero ang sabi ng kaibigan ko, hindi ko raw puwedeng sabihing i've done my part... (ewan ko ba, napaisip ako sa sinabi niya..) pero ayun, walang nangyari kasi napagod ako sa kaiisip, kasosorry at sa kahihintay... at least ngayon open ako sa kahit anong usapan sadyang hindi na lang ako nag-eexpect, kung positive e di go! kung negative ang resulta, eh di ok lang, keber ko... haha.. ^^ let it flow. kung walang conversation na magaganap, eh di ok lang din.. wala naman akong bitterness na nasa akin pa.. kung naging bitter man ako noon, lalam na niya yun, lahat ay sinabi ko na sa kanya... kaya wala lang talaga.. siya ata ito naging super bitter sa amin... wala lang.... ganun eh.. wala nang isyu sa akin, kahit anong lkalkal pa ang gawin ko... wala na nga akong pakialam kung sino sa main ang nagkamali.. kung mali siya, eh di mali siya, hindi naman niya kailangang magsorry, kung mali ako, eh di mali ako... nagsorry na ako noon pa... kung gusto niyang isa pa, heto... kung sa tingin mong ako talaga ang mali, sorry... ayan.... wala lang, feeling ko naging isyu pa naming dalawa yung kanikaniyang ego.. haha.. ang yabang ko... T_T sori ulet... ayun....
ang pangit pala ng dorm, nagbago ng room assignment.. chaka... lahat ng oldies nabwisit.. ang utot talaga.. haha... gayunman, tuloy ang newbies presentation.. busy-busyhan ang mga correps.. competitive ang ew1... char! go lang.. bahala sila diyan.. may alay sining akong dpat asikasuhin... tapso election pa.. grabe.. buti nalang hindi kao umoo sa socio com, una, dahil talo na ako sa kalaban ko (wala namang boboto sa kin..) pangalawa, super haggardous ng mga gawain ko sa acads at pangatlo, grabe ang responsibilidad ko sa alaysining.... haggard makipagmeeting sa student coouncil ng che... ang chaka tlaga..... haha. nga pala, bakit kaya nahihiligan ko ang chaka ngayong linggo?!? dati 'chos.... ano kaya ang susunod?!? haha....
tapos ayun, babalik ako sa friday sa maynila para makita si gemmy, leslie at pauba.. grabe.... ewan ko kung makikita ko si rowena.. wlaa lang, para lang maipamukha ko sa kanyang ang haba ng buhok ko... sabi niya kais nung punta niya sa diliman eh wala daw pinagbago ang buhok ko... haha.. trip ko rin bumalik sa masci.. wala lang.. friday so ok lang bumali kang alumni... carry lang... go.... ayun.. sige... 4:00 na ng umaga eh.. ititgil ko na to.. haha.. ^^
posted at 12:02 PM