~
Saturday, June 21, 2008
tapos na ang ulan noong madaling araw na iyon. tapos na nga ang buhos nito ngunit ang lamig ng kapaligiraý nagsisimula pa lamang. unti-unting naglalakbay ang lamig nito, pumapasok hanggang sa kaibuturan ng aking kalamnan. ang lamig nitoý kumalat sa aking katawan, mula sa aking talampakan, sa aking binti, sa aking tiyan, sa aking puso hanggang sa aking kaisipan. nilamon ng lamig ang aking katauhan.
umaga na nga ngunit ang umagang itoý nananatiling madilim. nananatili ang itim na ulap sa aking kalangitan. "nasan na?" ang aking sambit. hinahanap ang araw na siyang inaasahang papawi ng lamig. sa aking paghihintay, ang araw na inaasam ay hindi na muli pang nagpakita pa. itoý nawala; pinili nitong itago ang sariling liwanag. tila itoý natulog na't kinalimutan na ako. gayunpaman, ang aking pag-asaý hindi pa rin natitinag. nandito ako, nakatayo sa isang malaking piraso ng bato, naghihintay. naniniwala akong nauunawaan ng langit ang aking nais. naniniwala akong mahahanap ko ang aking makikita.
gayun nga't ang lamig sa aking katawaý hindi natitinag. ang lamig ay naging yelo at ang yelo ay naging patalim na umuubos sa aking kalamnan, nilalamon niya ako; ang aking paa, hita, tiyan, puso at kaisipan. habang tumatagal, akoý nauubos. Ang bato ay naging kahoy at ang kahoy ay nagiging tubig. walang magawa ang aking mga mata kundi ang lumuha, tinitiis ang lamig na siyang puno't dulo ng lahat, na siyang sanhi ng aking pagdurusa.
minsaý humarap ako sa salamin, tinitignan ang aking bihis, ang aking anyo. binago ng lamig ang aking pagkatao. narito ako, ibang-iba sa pinagmulan ko. ang aking anyo ay iba na ngang talaga, ang aking pananalita ay tunay ngang lumala. hindi ko na makilala ang tao sa salamin, hindi ko na makita ang dating payak at mainam kong imahe. ang kislap sa aking mga mataý napalitan na ng iba. ang aking mukhaý puno ng maskarang pilit na ikinukubli ang aking tunay na anyo, ang aking tunay na kabuluhan. ang aking mga bisig, ang aking mga palad na nooý naging kanlungan ng mga perlas at dyamanteý napalitan na ng mga buhanging unti-unting naglalaho't sumasabay sa hangin. hindi ko na kilala ang aking sarili.
sa kabila ng aking mga dinanas, ito hindi pa nangatatapos. ang aking katayuaý wala pa sa kalingkingan ng aking tunay kong estado. hinamak nila ako. pinagkaisahan. ginamit nila ang aking lakas, ang aking talino. ang aking mga braso ay kanilang iginapos, ang aking mga tengaý kanilang tinakpan, ang aking mga hita ay kanilang binali, ang aking mga mataý binusalan at ang aking mga mataý binulag na lamang. ngayon ang tanging maaring ko na lamang gawin ay ang pakiramdaman ang aking paligid. gayunman, ang bagay na itoý unti-unti na rin nawawala sa akin, nanghihina ako, nanghihina sa kawalang kamalayan at kawalang pakialam. hindi ako makalakad, makarinig, makakita o kahit makaramdam man lamang. itoý hindi dahil sa akoý itinali, binulag o kung ano pa man. sinisisi ko ang aking sarili, ang aking katawan pagkat itoý nananatiling marupok at walang pakialam. ito ay inaanay na tila kanser na dinudurog ang aking katawan. natutulog ang aking lakas, ang aking kamulatan.
gayunpaman, dumating na ang araw upang ang lahat ng itoý wakasan, upang ang lamig na bumabalot sa aking katawaý muling mapalitan ng init na siyang magbibigay ng karampatang lakas upang lumaban. ang aking kalangitaý panahon na upang muling magliwanag panahon na upang gisingin ang natutulog nitong araw. babaklasin ko ang pagkakagapos ng aking katawan, ang aking mga bisig at palad ay aking gagamitin upang muling tipunin ang mga perlas at dyamanteng minsan nang kumawala sa aking pagkakakapit. ang bato ay dapat na manatiling bato. ang mga anay ay susugpuin ko at lalabanan upang ang aking minimithi ay aking makamtan. titibagin ko ang lipunang nagkulong sa akin at nagpahimbing sa aking kaisipan. imumulat ko ang aking mga mata, ibubuka ang bibig para sa mga katotohannag pilit na ikinukubli, makikinig ako sa mga hinaing ng iba at kikilos ako para sa hinaharap. mananatili ang dating ako, ilang daang taon man ang lumipas. ang aking pagkakakilanlan ay mananatili. ang aking ngalan ay magtatagal kailanman. Ako ang U.P., ako ang Oblation.
posted at 9:17 AM
~
Monday, June 2, 2008
bakit ganun. hanggang ngayon namomoblema pa rin ako sa iyo. naniniwala naman akong wala akong ginawang masama pero hanggang ngayon bothered ako. hindi ko kasi alam kung ano yung tumatakbo sa isip mo. gusto na kitang kausapin pero mukhang ayaw mo. kusto kitang harapin pero umiiwas ka pa rin. ang gulo mo. ang mean mo. hindi ko alam kung paano mo natitiis yang ginagawa mo. grabe ka. tama nga siya, hindi ka namin maabot. ang layo mo. nilunok namin lahat pero walang nangyari. hindi ko alam kung ano na. alam mo, gusto kitang kausapin, kasi gusto kong malaman yung mga nais mong sabihin. gusto kong malaman kung galit ka pa rin, gusto kong malaman kung ngayon ba ay ayos ka na, na stable ka na, gusto kong malamang kung isinusuka mo ba kami, o kung kinamumuhian mo na yung mukha ko, na hiniling mo na sana hindi nal ang ako nag-exist sa mundong ito. ayaw mong magsalita. nakakinis ka na. hindi ko alam. ang gulo talaga. gusto ko magsalita ka, sigawan mo ako gusto yan talaga ang gusto mo, umiyak ka kung gusto mo, maging tao ka naman sana. alam ko. kahit anong tago ang gawin mo, sa lahat pa ng pagtataguan mo ako pa, alam kong kahit anong pilit mo, nahihirapan ka pa rin. ewan ko sa yo. sorry ka na lang, ayokong tigilan to eh, hindi ako titigil dahil ayokong isuko ito, ayokong isuko ka. ewan ko. ang gago nga eh. parang timang lang. hindi ko alam kung bakit mukhang sinadya ng diyos na makapasok ako ulit ng yakal. grabe. ewan ko, kasi hiniling ko nun na kung matatanggap ako ulit sa yakal it means na magkakaayos tayo. pero bakit ganun, parang buwan na nga yung lumipas galit ka pa rin. actually, wala na akong pakialam kung sino ba ang nagsimula ng gulo. sige na. mali na ako kung mali ako. ako na ang nagsimula nito. pero naniniwala akong ang mahalaga dito ay kung paano ako makikipag-ayos sa yo. grabe. hindi ko alam kung pano tatapusin to. hindi ko mabasa yung pagkatao mo. ewan ko. kahit anong pilit kong tigilan na to, na wala nang pag-asa tong pinaglalaban ko, na hindi na magbabago ang lahat, mayroon pa rin something sa aking nagsasabing magiging maayos ang lahat. na lahat ng hiniling ko noon ay magkakatotoo sa tamang panahon. pero kailan yun? hindi ko maintindihan. ang gulo mo. haha... ^_______^
posted at 12:29 PM