~sa iyo to.
Friday, April 25, 2008
sabi nila, ang mundo ay balanse. may mabuti, may masama. may magandang nangyayari sa buhay mo, may pangit na nangyayari sa buhay mo. tunay ngang sa mundong ito, lahat ay nabubuhay ngunit lahat din ay mamamatay. sa araw na ito ay ibinigay ko na ang lahat upang intindihin ka, lahat na ng uri ng paraang ginawa ko ay aking ginawa upang intindihin ang kaganapang ito. akala ko noon kaya mo akong tulungang kalimutan ang mga nangyari noon pero sadya yatang walang maitutulong ang tulad mo sa akin. ako nga siguro ang mali. ako ang talaga ang mali. mula sa araw na ito ay sisiguraduhin kong matatapos na ang lahat. sa araw na ito ay kakalimutan ko na ang lahat. gaya noon, nandito naraman ako, naglalakbay sa kawalan. hindi na yata ako natuto sa mga pagkakamali ko noong akoy bata pa, noong ang aking kaisipan ay tila nananatiling musmos at walang alam,; noong ang aking mundo ay tila perpekto at walang bahid ng kahit na anong kamalian, noong ang mundo ko ay hindi pa totoo.
nakatutuwang isipin na sa pagkakabuo ng aking pagkatao; mula sa isang taong kinatatakutan ng ilan dahil sa sukdulang kasamaan ng pag-uugali, sa sukdulang kasungitan at sa sukdulang pagtingin sa sarili ay nagawa kong ibigay ng buong buo ang aking sarili para sa ilang taong aking inaasahang magiging mabuti sa akin. ibinigay ko ng buong buong ang aking tiwala at pati na rin ang pag-asang ang sakit na ito ay aking mabibigyang solusyon. nilapitan ko siya, pinilit ko ang aking sariling magpakababa para lamang intindihin ang mga kaganapan sa aking kapaligiran. pinilit kong sisirin ang kailaliman ng nagbabagang dagat. pinilit kong lumunok.
nakatutuwang isipin na para lamang sa isang piraso ng bulaklak ay sinaksak ko ang aking sarili. hindi ko lamang minsanang itinarak ang patalim sa aking sarili, paulit-ulit ko itong ibinaon sa aking kalamnan upang lalo kong maintindihan ang lahat. nagawa kong dumilat. nagawa kong dumilat sa kabila ng mga agam-agam na ako rin ang mapapahamak sa huli. nagawa kong dumilat sa kabila ng walang katiyakang buhay, nagawa kong tumitig sa kabila ng pagdilim ng lahat.
muli kong binalikan ang gabing iyon, ang gabing nagkulong sa akin sa isang mundong hindi ko lubos na naiintindihan. sa ilang banda ay aking pinagsisisihan ang gabing iyon. nakalimutan kong huminga. nakalimutan kong ang bulaklak na aking tinaggap ay isang rosas na puno ng tinik. nalason ako ng pag-asang maari kong langhapin ang amoy na dulot nito. nasawi ako sa hindi mabilang na pagkakataon.
maari ngang sa una pa lamang ay wala na akong alam, na sa dahilan ding iyon, kahit anong aking pilit, kahit anong hirap ko sa paglangoy sa karagatan ng aking paglalakbay, ay hindi ko maiintindihan ang mga bagay na ninais kong intindihin. iba ang bulaklak na iyon. lubos na mailap.
masakit isipin na ang bulaklak na ito, bagaman bago pa sa aking pananaw, ay kailangan ko nang dalhin sa buwan. titignan ko na lamang ang kanyang mga alaala sa salaming tubig. ang aking pangakong binitiwan sa kanya at sa aking sarili ay ibubulong ko na lang sa hangin. nawa sa hanging ito ay kanyang maalala ang gabing iyon. tama nga ang mga bituin, sa gabing iyon ay mahuhulog ako sa isang pangako. pangakong ngayon ay kailangan ko nang kalimutan, pagkkakaibigang kailangan ko nang talikuran.
maglalaho ako hindi dahil hindi ko tanggap ang kapalaran ng bulaklak na minsan ko ring tinignan bilang isang kayamanan kundi dahil ako ay sumusuko na. oo, akoý sumusuko na. kung ito ay aabot hanggang sa dulo ng kailanman, mabuti pang ito ay aking kalimutan. mabuti pang tulad koý maglaho na rin ito sa mundong minsan ay parehas naming kinabilangan. nakakatakot isiping umuulit lamang ang aking mga pagkakamali, hindi ako natututo. gayunpaman, bago pa lumubha ang lahat, bago pa ang sarili ko ang aking pagpirapirasuhin para ibigay sa iba, ito ay aking nang pipigilan. kung ito pa ay totoong walang katapusan, mabuti pang ito ay akin nalamang kalimutan. nang sa gayun, ang lahat ng ito ay hindi ko na matandaan. nang sa gayun, ang sarili ko ang hindi mapahamak. masyado ko nang ibinigay ang aking sarili, tama na. panahon naman siguro upang ang aking sarili ang aking intindihin. mali na kung hanggang ngayon ay wala akong natutunan at ibibigay ko pa rin ang sarili para sa iba.
sa lahat nang kalituhan na aking dinanas, ang kanyang pagkalaho ang aking nakikitang gabay upang umayos ang aking buhay. mahirap, dahil ang bawat bulaklak ay tunay ngang makabuluhan, lahat nang kaibigan ay may halaga .
paalam na lamang ang aking masasabi salamat sa lahat ng naitulong mo sa akin. humihingi ako ng dispensa sa aking sinabi. nawaý sa ibang mundo, sa ibang panahon ay maging kaibigan kitang muli. patawad dahil hanggang ngayon, akoý humihiling na sana akoý iyong inintindi.
wala na akong magagawa upang ipilit pa ang aking nais. lubos na ang hanging sa aking mukhang nagsasabing kailanmaý hindi ko man lamang mahahawakan ang bulaklak na iyon. kailanmaý ang mundo natiý hindi na mag-iisa. paalam kaibigan. wala na, walang-wala na.
posted at 8:57 AM
~
Tuesday, April 1, 2008
alam kong ang ipopost ko ngayon ay nakalagay na sa kanang bahagi ng aking blog at araw-araw na nakabalandra sa mga taong nagnanais na basahin ang mga nakasulat sa aking blog. gayunpaman, ninais kong ilagay ito sa mas magandang paraan. mula sa wikang ingles ay kinuha ko naman ang tagalog na bersyon nito. naniniwala akong ang post ko ngayon ay tiyak na mas makabuluhan kaysa sa ingles na katumbas nito.
"Ang pag-ibig ay mapaghinuhod, at magandang-loob; ang pag-ibig ay hindi nananaghil'; ang pag-ibig ay hindi nagmamapuri, hindi mapagpalalo. Hindi nag-uugaling mahalay, hindi hinahanap ang kanyang sarili, hindi nayayamot, hindi inaaluman ang masama. Hindi nagagalak sa kalikuan, kundi nakikigalak sa katotohanan. Lahat ay binabata, lahat ay pinaniniwalaan, lahat ay inaasahan, lahat ay tinitiis. Ang pag-ibig ay hindi nagkukulang kailan man; kahit maging mga hula ay mangatatapos; maging mga wika, ay titigil; maging kaalaman, ay mawawala. Sapagkat nangakakakilala tayo ng bahagya at nangangahula tayo ng bahagya; datapwa't kung dumating ang sakdal, ang bahagya ay matatapos." - 1 corinto 13: 4-10
wala lang, sana makatulong ito sa lahat. sa mga taong wala nang magawa sa buhay. nawaý maging sagot din ito sa ilang tao na naghaahnap ng kasagutan. sana ay makatulong ito. ^_^
posted at 1:57 AM