~second sem, buhay freshie sa up
Saturday, November 17, 2007
ayan. after long long moments ng kawalan ng post, heto naraman ako... buhay pa. hehe... pero mukhang matatagalan pa sa susunod na post pagkatapos nito. super busy busihan na ako ngayong sem. 21 units lang naman ang load ko ngayon. isang malaking kagaguhan na ata ang pinasok ko. anyway, simulan natin sa crs.
may tatlong run ang crs. sa unang run pa lamang ay nakuha ko na ang kas 2 at ang kom 2. masuwerte ako dahil ang iba kong blockmates walang nakuha ni isa... pero nainis na ako nun dahil ung mismong major namin ay hindi namin nakuha... anyway mas masuwerte ako sa second run... nakuha ko na yung chemistry lecture at lab ko. pati na rin ang major namin na FN 10. kaso ang pinapangarap kong mbb 1 at pe ay hindi ko nakuha. hanggang sa third run, wala na akong nakuha kahit pa lahat na ng pe ay aking inenlist. anyway, wala rin akong bio 11 so therefore 13 units palang ako, super underloaded pa ako. dumating ang unang linggo ng nobyembre, nagsimula na ang daily batch run. sobrang suwerte ko kasi 3 na ng hapon ako nagenlist pero may bio 11 pa akong nakuha. sabi ng blockmates ko, wala pa raw iyon nung umaga... so therefore, hapon na iyon inopen, tila hinihintay ako.. hehe.. dahil mahirap din ang magprerog at pinairal ko ang katamaran imbes na mst ang kunin kong ge, nagenlist na ako ng isa pang ah... so ayun... nakuha ko na yung dalawa... 21 units na ako pero wala pang pe... pinavalidate ko na and all yung aking form 5.. pe na lang naman yung problema so kahit wala yun ok lang... so ayun... inabot na ako ng second week at saka lamang ako nakapagpaprerog.... pero walang kuwenta ang nakuha kong pe... sus maryosep talaga... pe 1... good luck sa walang kamatayang lecture ngayong sem... anyway.. nagstart na ang mga klase at heto ang mga resulta...
Bio 11- mukhang masaya ang lecture... (anyway.. nasiyahan naman ako kay ma'am bunagan...) pero nakakalula ang dami namin sa klase.. 80 lang naman kami.. (actually 80+ dahil sa mga nagprerog) so ayun, nung first meeting, naubos ang buong period sa kakatawag ng pangalan ng estudyante for checking ang class orientation.
FN 10- sosysal ang subject na ito.. unang major.... parang high school ang drama.. may reporting... at syempre.. ang banal na portfolio... with matching reflection sa bawat meetings namin... (come on!) tungkol iyon sa community nutrition... history, job opportunities, sense sa lipunan, etc.
MPs 10- heto ang malupet! sobrang malupet! 1 o 4 lang ang grade sa klase! help talaga... tapso ang comment ng prof sa gawa ko (yung una lang naman...) ay walang iba kundi... PANGIT!!! o di ba.. lantaran... hay, ipagdasal nio na lang ako sa writers' challenge namin sa lunes...
pe 1- well hindi pa kami nagmemeet...
bio 11 laboratory.... mabait ang instructor namin! sobra! well... ok lang naman sa klase kaso demanding din ang subject... sobra... may palaka at ipis effect pa.. hehe... tapos ang passing pala ng bio ay parang math (kung hindi ako nagkakamali...) 60%... well, i need your prayers...
kas 2... sosyalera din ang lola mo! even though old fashioned ang prof namin na sabi ni nephele ay mascian... sobrang lakas ng appeal! tipong parang lalamon ng tao... katakot.. tapos demanding din ang kas 2 niya... sobrang daming readings....
chem 26.1 (lab ito) mabait din ang instructor namin.. kahit halatang hindi kami nagbabasa ng pinaassignment niya, hndi siya nagalit.. tapos sobrang himay ang lesson... may tiwal sa students at sobrang kalmado magsalita... feeling ko mageenjoy ako kahit (again, to the nth time) demanding ng subject... nakakahilo ang manual.. hehe... iba pa rin pag chem 16, kapag basic...
chem 26 (lecture naman ito mga pre..) biglang nagpalit ang instructor namin.. mula sa maapeal na babae... (tipong lalamon din ng tao pero wala siyang pake kung hindi ka pumasok sa klase niya..) hanggang sa isa ring babaeng sobrang hinhin... pero nakikipagbiruan din naman.. feelnig ko hindi rin siya madaling magalit... (sana tama ako... para maenjoy ko ng todo ang chem 26..)
then kom 2... parang intro to thesis writing... come on! sobrang bait din ng prof... kahit doktor na, parang kalebel mo lang din siya.. hindi mo mafeel yung gap between students and teacher.. galing! parang si sir garcia sa masci pero higher level ng kaunti... especially in philisophy (logic).. sabi nga ni thea para daw ako... come on! asa naman.. hehe.. pilosopo pero he makes sense.... hehe... magaling talaga siya.. pero syempre sa subject na ito, he's expecting something... so ayun... pero promise! isa sya sa masayang prof... hahanapin ko nga ulit yun sa ibang ge... hehe...
so ayan... 21 units ako.. sobrang demanding ang subjects ko... sobrang bait ng mga nakuha kong prof... pero super haggard na ito.... anyway ang mga prf ko pala ay bigatin....
bio 11 lec- Phd, sa lab naman MS
fn 10- member ng halos lahat ng org sa nutirtion dito sa bansa... MS din ata sya...
MPs 10- writer ng librong pambata at ng textbooks.. MA naman ata iyon....
PE 1 -ewan ko lang.. hindi pa nga kami nagmimeet eh...
kas 2- PhD
chem 26.1 - MS
chem 26- PhD
kom 2- PhD writer din...
so ipagdasal ninyo ako... namawa'y maging CS ako this sem... (sana lang...) lord help me!!!!!
posted at 11:36 AM