~maling pagbansag
Wednesday, October 17, 2007

si manny pacquiao ay tunay ngang magaling na boksingero, tunay ngang na patataon ninya ang mga kalaban ninya sa ring. pero sadyang maraming anumalaya ang bumabalot sa kanya.
si manny pacquiao ay isang oportunista. inaabuso ninya ang mga taong napagkakakitaan ninya. kumakapit siya sa alam ninyang magiging maunlad ang kanyang pamumuhay. unang halimbawa na lamang ay sa organizer ninya. nagsimula ito nang pumirma siya ng kontrata sa dalawang organizer. hindi ba't nakapagtataka kung ano ba talaga ang motibo ni pacman sa gawaing ito? at ang masama pa ay ang pinalabas ng media ay ang away lamang nang mga organizers na ito. hindi nila naipakita na ang may pinakamalaking pagkakamali ay mula kay pacquiao at hindi sa mga organizers. kung walang oportunista, walang mga organizers na mag-aaway.
ngunit ang mga tao ay itinuturing siyang bayani. tila superhero na nakatakdang magligtas sa sanlibutan. sa pagkakataong ito tila wala siyang pinagkaiba kay aguinaldo na kapwa niya oportunista. HINDI DAPAT TIGNAN ANG MGA TAONG ITO BILANG MGA BAYANI. ito ay isang insulto sa mga taong napabilang sa listahan ng mga bayani.
ang isa pang halimbawa ay ang pagpasok ni pacman sa pulitika. ang kapal ng pagmumukha ninyang tumakbo. kung sabagay, ito na lang ang kulang. tandaan natin ang tatlong uri ng tukso : Money, fame and POWER. kapangyarihan na lamang at tunay nang buo ang tatlong yon. kaya naman kitang kita ang pagiging makamundo. (kapal talaga ng mukha..)
ngayon naman ay ang pag-aaral. naalarma ako nung inilabas niya ag listahan ng mga unibersidad na kanyang pinagpipilian niya. buti na lamang at hindi siya tumuloy doon. haiz... pero makikita ang motibo ni pacman sa pagpasok sa pulitka. ito ay bilang tugon sa kanyang pagkatalo noong nakaraang eleksyon. dahil si pacman mismo ay naniniwalang malaking dahilan ng kanyang pagkatalo ay ang kawalan niya ng tinapos. kaya ngayon siya ay nag-aaral. ang malala pa dito ay ang pagaabuso niya sa pangyayari. sinabi niyang nag-aaral siya upang maging magandang halimbawa sa kabataan. nais daw niyang maipakita ang kahalagahan ng pag-aaral. isang malaking kalokohan. paano niya mapapakita ang kahalagan ng pagtatapos kung siya nga ay naging matagumpay sa kabila ng kakulangan niya ng kaalaman. at isa pa, bakit kailangan pa niya lumabas sa media? hay nako.. isang malaking katanungan iyan.
tapos heto naraman siya, nature lover kuno. nagtatanim ng puno... tanga lang ang maniniwalang nature lover talaga siya. utot mo manny pacquiao! ang laking joke. kung talagang nais niyang magtanim ng puno, noon pa lamang ginawa na niya iyon at ulit, hindi niya kailangan ng media para ipangalandakan sa sanlibutan ang panlilinlang niya. oportunista.
tapos nariyan pa ang anak niya sa labas. bakit biglang namatay ang isyung iyon?!? nabayaran na ba niya ang kabit niya? o hindi naman kaya nabayaran na niya ang pinakamamahal niyang media? siguradong isa na don ang naganap. kaya nga't biglang namatay ang isyu. isa pa, bakit biglang nawala si pacquiao noong nakaschedula nang ipa dna test yung bata? natatakot ba siyang malaan ng sanlibutan na may anak siya sa labas? iresponsableng ama, iresponsableng asawa.
at ngayon, unti-unti nang umaakyat sa ulo niya ang kanyang pagkapanalo. maririnig sa kanyang mga interview ang mga pariralang " parte talaga iyon ng pagsikat" o di naman kaya'y " ganun talaga pag sikat" ang yabang.
tapos ngayon lumipat na siya sa GMA. pumirma ng kontrata na nagtatakda ng kanyang kita. hindi gaya nung siya ay nasa ABS-CBN. tunay ngang oportunista.
pati ang pagsali sa militar ay pinasok na niya, upang maging sikat ng lubusan, tila lahat ng aspeto ng pamumuhay ang papasukin na niya. hindi ako magtataka kung bukas any miyambro na siya ng organisasyong nagpapatakbo ng simbahan, upang pati ang sektor ng simbahan ay kanyang malinlang.
ngunit muli, siya ay binabansagang bayani. sa mga nakikita ko, nasaan ang pagiging bayani? siguro'y dahil nagdadala siya ng karangalan sa bansa. Ngunit hindi ba tulad niya ay nagdala na rin ng karangalan sa bayan ang mga manlalarong tulad nina efren reyes? ngunit bakit naiiba siya sa lahat? nandyan din ang mga scientists ng bagong panahon na binibigyan ng mga parangal ng mga prestihiyosong mga institusyon. nandiyan ang mga journalists na tunay na nagbibigay ng karangalan sa bayan. o hindi kaya ang mga independent film makers na nagtagumpay sa labas ng bansa. o hindi kaya ang mga chorale tulad ng madrigal at iba pa na nagbibigay din ng karangalan sa bayan. o mga manlalaro, o tulad ng isang superstar sa italy na nagsimula bilang domestic helper. isang malaking pagkakamali ang ginagawa ng mga pilipino- ang bigyan ng maling parangal si manny pacquiao. isa ito abuso sa paggamit ng salita.
hindi naman siya tumutulong sa bayan. ni ang lumang gym sa maynila kung saan siya nagsanay noong siya ay baguhan pa lamang ay nabubulok at inaagnas na sa kalumaan. ang mga taong humahanga sa kanya ay hindi man lamang niya matulungan. ni hindi niya kayang magtayo ng isang foundation upang makatulong ng direkta sa mga mahihirap, kinakailangan pa niyang abusuhin ang pulitika upang matupad ang kanyang sinasabing tulong. ang alam niyang itayo ay pansariling mansyon sa kung saan-saan. wala siyang alam na gawin kundi ang sumali sa sabungan o di kaya'y sa casino upang tumaya ng milyon milyon. nakakahiya.
ito ba ang modernong pananaw ng mga pilipino tungkol sa kabayanihan? sa bayani? isang taong oportunista, iresponsableng nilalang at walang alam kundi ang magpabaya. tayo'y mag-isip. alamin kung ano ang nararapat
posted at 4:16 AM
~huling linggo ng sem
Thursday, October 11, 2007
ayan come on! waheh... super umaga na so heto naman ako.. nagtatype pa... anyway.. masaya naman ako at malungkot at the same time. sana mahabol ko pa yung sc... wahehe. sana... kung magiging 1.75 ang grade ko sa chem at 1.0 sa socio... (ang hirap kaya nun..) anyway.. yun lang... super napuri naman ako sa essay ko sa kas 1.. wahehe.. natuwa naman ako... ang galing ko daw maglahad ng essay..( parang speech lang ah..) wahehe... pero syempre bawal umakyat sa ulo... baka matulad ako sa iba dyan... so ayun.. pressured ako dahil sa lunes ang finals namin at kailangan kong makakuha ng sobrang over taas na score sa chem upang umabot pa ang gwa ko.. wahehe.. at yung paper namin ay kailangan ko pang tapusin.. (sa monday din ang deadline nun) wherein as of today.. isa pa lang sa groupmates ko ang nagsubmit ng part nila.. haiz.. kawawa naman ako pagnagkataon.. wahehe.. anyway, ipagdasal ninyo ako... sana umabot pa ako.. help! at sna makuha ko lahat ng subjects ko sa crs... peste, 2 subjects lang ang nakuha ko.. kas 2 at kom 2.. haiz... help me talaga... tapos yung mismong major ko, kung saan kami lang ang kukuha nun sa buong university, ay hindi NAMIN nakuha.. bulok talaga ang college namin.. haiz... sige dito na lang. kailangan ko pang magbasa ng 14 chapters for chem.. pagdasal ninyo ako... gud luck sa ating lahat! ^_^
posted at 12:10 PM
~busy ang buhay ko...
Thursday, October 4, 2007
ayan, so maxado nang napapadlas ang pagbisita ko sa computer thingys... hehehe.. anyway, marami akong kailangang sagutin na mga tao...
for Philippe, buhay pa ako... lalo lang namang tumindi ang kasungitan ko dito sa up diliman... dahil madalas ang pagiging mag-isa ko... wahehe.. iritable ako... anyway, gc na rin ako.. wahehe.. ayokong magrepeat! ANG MAHAL NG TUITION FEE! hehe.. junk tofi! hehe... nagstart na rin akong maging indie.. eheh.. ang hirap ng buhay dormer! hehe.. limited ang peras for a week... come on! carry ko pa naman.... so ayun.. yun lang...
for jayv, hay nako.. salamat sa gud luck mo.. kailangan ko na talaga ng himalapara maexempt sa finals sa chem... (lord please..)
for leslie, ang taba mo... wala lang... paki ko kung maganda yung come what may?!? hehe...
for ralph, jayv at sa iba pang choir na niyayaya ako...
pasenxa, hindi na ako makapupunta... ayokong magpractice ngayon tapos next sem hindi ako pupunta... sa saturday may long test ako sa chem 16, finals sa math 17 (tuesday) baka mayroon pa sa kas1 (sana wala na..) tapos may policy paper pa ako na kailangang tapusin.... next sem naman....
Analytical chem (nosebleed ang lab..) bio 11 (botany and zoology) nosebleed angg lecture ant lab... fn 10 (puro interviews at papers daw)... mbb1 (hello! alam ninyo naman kung gaano kapeste ang subject na yun.. nung third year pa nga lang eh delubyo na.. pano pa kaya kung college?!?) tapos kas 2.. kailan may hindi naging madali ang pag-aaral ng kasaysayan.. tapos bka mag kom ako or sumting... hay.. busy na ako.. bka ngaa wala pa akong makuhang AH na ge eh... bka mag world literature pa ako... (help!) (yun naman kung makukuha ko lahat ng subjects na iyon... ) so ganun ako kabusy.. haiz.. siguro nga mas busy kayo.. pero my dear... even though hindi rason ang acads...
anyway... kung mahahanapan ko nang paraan.. (anu ba ito.. binawi ko kaagad yung cnabi ko..) pero maliit na ang possibility.... haiz.. sana payagan ako ng nanay ko...
so ayun...yun lang naman.. ipagdasal ninyo ako.. finals na namin sa comm 3 (public speech) come on... hehe.. sana makauno ako sa comm 3 at socio 11 pati na rin sa kas1 kung papayagan.. hehe.. pero most of all, sana maexempt ako sa chem at maka 80% or more sa math 17.. hehe.. (masama bang mangarap?!?) sige.. mag-aaral pa ako eh.. bye! ^_^
posted at 2:01 AM
~pesteng enlistment yan...
Tuesday, October 2, 2007
hay naku.. isa pa palang isyu ngayong araw na ito.. peste talaga ang mga tao dito sa diliman.. pano ba naman.. umaapaw ang demands over sa slot.. parang tanga... kaya nga may survey form eh.. ang nakakainis pa.. prof ang may power sa pagpili.. so sobrang liit ng chance.. like sa mbb 1, (yun kasi yung nilagay ko sa survey form..) 40 yung slots, 80+ yung demand.. lalo na yung walking for fitness 40 ulit yung slot 170+ yung demand.. pesteng buhay to.. pano kung hindi ako makuha?!? prerog?!? hay nako.. peste talaga.. sana lang puro 2nd year at 3rd year ang kalaban ko sa slot... kasi ganito yung arrangement ng priorities: graduating students, freshies, third year then second year.. sana lang makuha ko lahat ng subjects ko.. ndi ko aasahang magpeprerog ako.. hay naku.. peste talaga... at sana malusaw lahat ng hindi nagpasa ng survey form at nakakuha ng slot.. go to hell!!!!! wahehe.. nakakainis lang talaga.. dapat may priority rin yung naglagay ng mbb 1 sa survey form eh.. kainis talaga...hay nako... sana lang.. please.. sana makuha ko lahat ng subjects ko... may major pa naman akong over ang demand.. hay nako lord!!! lahat ng suwerte kailangan ko. hay nako.. di ba?!? ang saya ng buhay up?!? hindi pa isyu kung makakauno o singko ka sa classcard di ba?!? hindi pa rin kasama yung pila sa pagbabayad.. sige dito nal ang! bye!
posted at 8:33 PM
~last week na
hello! wala lang. wala akong magawa eh.. instead of mag-aral heto ako adik adik sa internet.. hay nako.. malapit na ang finals.. may long test pa ako sa chem sa sabado.. yung coverage ng test ay hindi (halos lahat) itinuro sa amin ng lecturer namin.. hay nako.. yung last topic (which is nuclear chemistry) ay lab instructor na ang nagturo.. hay nako.. tapos about 1/3 ay ipinabasa na lang niya sa amin.. super kabad trip.. hay nako.. wahehe.. anyway.. sa friday na ang finals namin (ko) sa comm3 (public speech) walang kuwenta ang topic ko.. hehe.. sa weekend ko na lang ikukuwento.. then sa tuesday na ang aming finals sa math 17.. sana pumasa ako.. wahehe.. malapit na.. then sa 13 ang sa kas1 sana naman maexempt ako.. wahehe.. kung puede sana pati sachemm (yun eh kung mataas yung score ko sa saturday..) ayun.. so todo-todo adjust ang mga prof namin sa grades namin.. sa math dodoblehin na lang daw yung highest score namin sa mga long exams (pano hindi na kami nakapag 5th long) then sa chem dodoblehn ang highest then icacancel yung lowest (para daw dumami yung maeexempt) ok namn yun.. malaking advantage.. pero napagtanto ko lag na ang standards for excellence ay tunay ngang nagbabago.. wahehe.. parang gago lang.... ang dami ko pang kailangang gawin.. yung speech plan ko ndi ko pa gnagawa.. (pano kaghapon lang ako nagpalit ng topic tapos sa friday na yung speech ko..) anyway.. nasa likod ko ngayon si abanador.. wahehe.. ang laki laki pa rin niya at sobrang enormous na ng utak nya.. bumabagyo na dito sa computer chuva... pero ok lang.. kahit sobrang hangin (nagn dahil kay abanador) kasi sa liit ng computer shop at sa laki ng space na nacoconsume ni abanador... walang effect ang pressure na inaaply niya.. compact kami dito.. parang atoms ng slid.. (wahehe.. nasobrahan sa chem) so ayun.. sana lang talaga hindi niya mabasa yung post kong ito.. anyway.. kanya-kanyang opinyon lang yan.. waheshu...(anung expression yun?!? waheshu?!?) hehe... so ayan.. sana lang makasurvive ako dahil may paper pa kami sa socio.. nagmuha pa akong lider.. dahil ako alng yung nagmamanage... hay nako.. pressure pa ng todo... so ayan, ipagdasal nio na lang ako.. dahil baka ndi ko na makaya.. wahehe... so ayan.. come on! god luck sa ating lahat!
posted at 8:33 PM