~pressure!
Saturday, July 21, 2007
hay naku.. after 10 years... nagpost na ako ulit. ayan paano ko ba sisimulan... sa acads muna...
gus luck namana talaga sa abnormal kong buhay... ewan ko ba.. pinuno ng long tests ang buhay ko last week.. pero ang good news ay patapos na.. patapos pa lang dahil may impromptu speech pa ako sa tuesday.. (pero impromptu nga kaya naman wa ako paki..) so ayan.. good luck talaga dahil sa abnormal kong score sa chem 16.. sa hindi pa nailalabas na result sa math 17 (ui in fairness mabait naman ang prof namin) at sa long test sa kas 1 na nagimbento ako ng salita at mga sagot... wahehe... ayan.. medyo irita naman ako sa sistema ng chem lecture... (oi ah! sa sistema ndi sa prof) kasi super bilis magdiscuss... parang ibabagsak lang niya lahat ng details and bhala kang iabsorb... haiz.. nasanay talaga ako sa sistema sa high school.. anyway.. kailangan ko talagang magadjust.. tapos isa or more lesson sa isang araw... ndi pa nirereview next meeting.. so kung umabsent ka.. bahala ka... haiz.... sa math 17.. ayan ang malufet... bigla kaming pinapasok nung wednesday para daw mabawi yung mga absences niya... may nagsumbong ata sa kanya sa admin eh... haiz talaga.. yun yung unang late ko sa buong buhay isko ko.. kainis talaga.. panu nalate ako dahil una, tinanghali ako ng gising.. (kasi pahinga ko nga yung wednesday) tapos wala pang toki.. so ikot ang sinakyan ko.. so after 25 mins. dumating na ako. .wahehe.. mukhang kasisimula lang nila.. tapos nagdiscuss pa siya for anout 10 mins..nagtest.. then uwian na... ang saya.. mukhang 25 mins lang yung buong klase (panu late din ata siya).. anyway.. kabaitan na lang ni sir ang tinitignan ko.. at hindi ang kanyang mga pagkukulang.. wahehe.. ang joke ko... anyways... sa pe naman.. hay naku! hindi ko inaadvise ang stretching para sa mga estudyante.. stretching talaga.. pasakitan ng mga kasukasuan.. hehe.. pero masaya.. wahehe.. buti na lang din mabait yung prof.. hehe... tapos sa laboratory... haiz... nagkagulo kami sa redox reaction (actually ndi nagkagulo.. natahimik kaming lahat habang namomoblema ang instructor namin)dahil sa ndi mabalance na charges ng reactants at products.. wahehe.. pero nung sumunod na meeting at naayos rin naman niya... sa kas 1... hanep ang lesson namin.. kami ata ang unang nagtest sa buong up sa kas 1.. pano.. karamihan sa kas1 classes ay nasa simula pa lang ng spanish era.. kami nasa reforms na... tindi ng prof namin.. pero again.. masuwerte nga ako sa prof... mabait siya.. at kahit minsan, hindi ako nakatulog... or makakatulog (dahil yung mga nakakatulog ay pinalalabas niya ng room)... hehe... sa comm3.. sabi ko nga.. magiimpromptu speech na kami.. yun na yung first long test namin.. hehe.. nanuod pala ako(with thea) ng passion of the christ.. required kasi sa comm3 na iyan.. wahehe.. nandun si romnick sarmenta at si neil sese.. wala lang.. ang galing ni niel sese.. hehe.. tapos ang lalim ng gamit nilang english.. may touch of old english... tapos super poetic naman ito.. in verses ang salita... pero ok lang. maganda naman.. (nakita ko rin pala dun si rez cortez.. tama ba yung spelling?!? sorry po kung mali)... ayun... sa socio naman.. hay naku talaga yung report namin... isa lang ang masasabi ko... basura... hehe.. ok lang... wala akong paki.. naggain naman ako ng friends dahil dun.. hei you! hehe... ayan.. next aspect naman...
ang lipunang diliman....
wahaha... nagsisimula nang maging maayos ang buhay up ko.. nasasanay na naman ako.. kahit puno ng activities. kering-keri ko.. "susunod sa aking galaw. kering-keri.." kahit ang dami ko pa ring kinaiinisan sa bloc ko... ok lang.. marami na rin naman akong kaibigan... wahehe.. at least di ba.. masasabi kong ndi ako antisocial o anti sa sangkatauhan... wahhehe... ayan puno na kami ng activities... next week.. nutrition week na.. so busy ang college namin, ang department namin at ang course namin.. nutrition kasi ako no... buong linggo yun... puro pakain... pakain... libeng consultation tungkol sa diet... film showing.. tungkol sa sitwasyon ng bansa.. specifically sa problema sa pagkain... aerobic class at mga palaro at talent search.. naman ..yun lang naman ang mga pauso dito sa diliman... wahehe.. tapos natuwa naman ako sa kule.. every week kaabang abang naman sila.. at dahil magsosona na si gma.. nagsisisulputan na ang mga reaksyon laban kay gma. naglulunsad na sila ng mga kilos protesta... yun talaga ang masaya.. wahehe.. (wait.. naalala ko tuloy ang mga nagmamalinis kong mga blocmates..hindi naman lahat.. pero may iilan na akala mo kung sino magsalita laban sa mga militante... eh hindi naman nila kinunsidera o inaalam man lamang ang panig ng mga militante... napaka walang respeto rin nila dahil kapag may nagsasalita.. ndi sila nakikinig... siguro nga ay nasa up ka ay may kalayaan kang gawin kung ano ang nais mo...pero hindi ba't parte ng pagbibigay galang at mabuting asal ang makinig sa sinumang nagsasalita?!? hindi kaya sila tinuruan ng mga magulang nila at ng paaralang pinagmulan nila ng "courteous listening" nakakahiya.. naturingang mga iskolar ng bayan... tapos may lakas sila ng loob na kundinahin ang mga taong ni minsan ay hindi nila pinakinggan.. paano sila nakagawa ng desisyon ng hindi man lamang tinitignan ang 2 mukha ng kuwento?!? paano nila nalamang mali ang mali ng hindi tinitignan ang tama? naklulungkot lang isipin na sarado ang kanilang utak.. at tila silay nilamon na rin ng sistemang patuloy na nabubulok... at dahil na rin siguro sila ay pinalaki sa lipunang sarado ang pagiisip at pinaiikot ng kaisipan ng mga conformists... ewan ko... naalala ko tuloy ang linya sa desiderata "listen even to the dull and ignorant, they too have their own stories" yun lang... tapos naraise naraman ang isyung bakit kailangan magrally, alam naman nilang walang mangyayari... pati nung pinagusapan namin ang mga hindi tunay na pulis ng diliman.. kasi ganito yun...
girl: "alam ninyo bang hindi talaga pulis ang mga pulis dito sa up?"
kami:" ay ganun?!?"
gril: "ganun daw talaga para may exercise ang academic freedom"
boy: "kaya pala ang daming nagrarally"
hindi ko kinukundina ang pagkatao ni boy. pero sa tono niya at sa iba pang pinagmumulan ng expressions niya.. mukhang galit siya sa mga nagrarally. sinasabi ko ito hindi lamang para kay boy kundi para sa lahat ng taong may ganitong pagiisip... nakakaawang isipin na ang mga pagiisip nila ay sarado na.. at ang depinisyon nila ng mga raliyista ay walang pinagkaiba sa depinisyon nila ng mga mamamatay tao, sa mga magnanakaw at sa mga kriminal. hindi ko sila masisisi dahil ganoon sila pnalaki ng lipunang kinabibilangan nila. hay naku.. ewan ko sa kanila. bahahla sila sa buhay nila... anyway... kausapin na lang nila ang mundo o ang araw, baka sumagot... hehe..
next is org! may sinabi sakin si jennylyn na org, for caviteños daw... binasa ko kanina yung papel nila, ang corny... sorry, opinyon ko lang po... pero pressured na rin ako sa upsa pa lang eh.. kaya mukhang hindi na ako makakasali sa kanila... at medyo, medyo lang naman, ayaw ko rin.. hehe... pis! any way, pressure na ang inabot ko sa upsa... pero enjoy! natuwa ako sa unang atend ko sa sectionalz... masaya naman at kakatuwa.. nagworkshop na rin kami.. inisaisa kami at nalaman kong kampon ako ni elvis presley.. kakahiya nga't ang pangit ng pagkanta ko.. pero wala na akong magagawa, tapos na.... wahehe.. masaya pa rin naman... kahit isiningit lang ako sa octet d at quartet 8. pressure kasi sa august5 na yung test.. hnidi ko pa nakikilala ang mga nilalang na makakasama ko... tapos august 8 ang long test namin sa chem... good luck talaga... tapos parang nagiba ng ugali ang mga taga upsa.. super seryoso na sila...
so ayun.. ipagdasal ninyo na lang ako.. wahehe.. gud luck sa atin! ^_^ har har!
posted at 12:40 AM